Kilalanin si “Bibingka Girl”, ang pinakabagong “it girl” sa social media

Hindi na lingid sa kaalaman ng marami na puno ng magagandang tanawin at masasarap na pagkain ang Pilipinas. At syempre, kung gwapo at maganda rin lang naman ang usapan, hindi rin magpapahuli ang mga binatang Pinoy at dalagang Pinay.

Kagaya na lamang ng pambihirang ganda ng isang dalaga na may bansag na ngayong si “Bibingka Girl” na pinuri ng marami sa social media.

Unang nai-upload ang mga larawan ni Bibingka Girl sa Facebook page ng Darkroom Cebu.

Image: Darkroom Cebu / Facebook

Ayon sa nag-upload na si Clark Laurent Dumon, isang photographer at isa sa mga administrator ng nasabing page, pumunta siya kasama ang kanyang mga kaibigan sa Danao upang kumuha ng litrato sa gaganapin na motocross race.

Habang naghihintay sila ay nakuha ang kanilang atensyon ng isang babaeng nagluluto ng bibingka. Namangha sila sa kakaibang ganda ng dalaga na walang halong arte sa mukha nito.

Image: Darkroom Cebu / Facebook

Bilang mga photographer, agad namang kinunan ng litrato ni Dumon at ng mga kaibigan niya ang dalaga.

Napag-alaman naman ng Inquirer na ang dalaga sa larawan ay si Cristy Cuizon, 18, at residente ng Barangay Taboc, Danao City sa Cebu.

Image: Darkroom Cebu / Facebook

Kitang-kita naman sa mga inupload na larawan na napaka-simple nga talaga ni Cristy at sa kabila nito ay makikita pa rin ang likas niyang kagandahan kahit buong araw na siyang nagbebenta ng bibingka.

Samantala, marami ang nabighani kay Cristy at umabot na sa 5,200 ang mga nagreact sa post at 5,000 ang nagshare nito.

Iba rin talaga ang nagagawa ng tunay na ganda ng isang Pilipina, hindi ba?